The memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala..
Ito yong lahat nakakarelate, totoo naman diba? sa alaala tayo naiiyak, dahil sa mga memories tayo nakakapag isip ng tama kong tama iyong naging desiyon natin, dahil sa alaala natin namimis iyong taong mahalaga sa atin. Kapag memories iyong bumanat lahat giba, kahit anong seryoso mo sa ginagawa mo bibigay at bibigay iyong pader mo. Minsan dahil dito may mga taong nagpapakamatay para lang matigil na iyong pagbalik ng alaala. Mayroon naman alaala na lang ang tanging binabalikbalikan para makasama iyong taong mahal nila.. kasi di na ito babalik kahit kailan.
Paano kung isang araw bigla kang makalimot, malimutan mo iyong taong mahal mo or iyong mga taong nakapaligid sa iyo? Ano namang gagawin mo kapag ikaw ang nakalimutan ng taong mahal mo? AMNESIA? Mayroon naman sinasadyang magka amnesia para makaiwas sa sakit pero di nila alam ang amnesia sa utak lang ng tao yan ang puso daw di nakakalimot HEART MEMORY pa rin.
Isang taon na ang nakakalipas ng makilala ko ang taong nagpasaya sa akin, nagbigay ng buhay sa mundo ko, nagpinta ng mga ngiti sa mga labi ko. Naalala ko noong unang beses kmi ngkita. Nasa bus stop ako noon nag aantay ng masasakyan. Umuulan noon, kaya siksikan sa waiting shed. Unti unti lahat ng tao naubos na ako na lang at tsaka iyong babaeng nakaupo ang natira.
“Haayss.. anung oras na wala pa ring maluwag na masasakyan”
Lahat na ata ng rota ng bus at jeep dumaan pero di man lang pinapansin ng babaeng kasama ko sa waiting area. Akala ko holdaper sya… iyong pala holdaper nga holdaper ng puso ko. Ilang minuto pa ang lumipas umupo ako sa tabi nya, amoy alak mukhang nakainum sya. Maya maya pa dumating na rin ang inaantay kong bus, mlauwag makakauwi na rin ako, ngunit ng tatayo na ako may pumigil sa akin. Naramadaman ko na hawak ng babae iyong damit ko,
“wag mo akong iiwan dito mag isa.. please..”
Aalisin ko sana ang kamay nya pero nang tiningnan nya ako nakita ko ang mala anghel nyang mukha at wala akong nagawa kundi maupo sa tabi nya at alalayan ang ulo nya.
“Mis.. san ka ba nakatira? “
Wala akong sagot na nakuha kundi inaro nya ang kanyang bag, sa bag nya nakita ko ang wallet nya.
“Wow.. sa isang exclusive subdivision nakatira,” sambit ko sa aking sarili
Ngunit naisip ko paano ko to ihahatid eh ang layo nun dito. Wala akong nagawa kundi pumara ng taxi at ihatid sya, si Lexie yung ung nakita kong name sa wallet nya.
“Boss dito na tayo, 200 hundred po”
Ang mahal na tumulong ngaun, buti na lang bagong sahod ako at may pera akong png taxi.
“Ah.. boss okay lang ba kung antayin nyo na lang ako, kasi sayang naman eh mukhang magtataxi rin ako pauwi.”
“Sige boss pakibilis na lang”
“Sige salamat.’
Magddorbell n sana ako ng may lumabs agad mula sa bahay nila.
“Good evening ho… uhm..”
Di man ako nkakapag salita binuksan n agad ng babaeng di medyo katandaan ang itsura.
“Salamat huh… ako na bahala sknya”
Pagkatapos noon bumalik na ako taxi. Pumatak na 300 hundred ang binayaran ko.Pasalamat na lang tlga aq at bgong sweldo ako kung ngkataon hindi siya makakauwi at hindi rin ako makakauwi.
Pagdating sa bahay deretso kwarto, akala ko makakatulog ako agad. Pero iyong babae iyong nasa isip ko. Npakagnda nya delikado sa isang tulad nya ang umiinum at mgpapasama sa isang estrangheo. Paano pala kong isa akong masamang tao.. pero buti na lang at hindi.
Noong gabing iyon akala ko un na ung una at huli kong beses na makikita sya.
Kinabukasan ay off ko sa trabaho. “Makapunta nga sa mall.. “
Hindi naman ak oyong tipo ng tao na pagkasweldo ay winawaldas agad sa kung anu anung bagaya ang pera. Nag iipon ako, na minsan ang akala ng ibang kong kaibigan ay sobra akong kuripot. Wika nga ng nanay ko.. ” Anak.. minsan naman ay maglibang ka pag wala kng pasok.”
Siguro hindi ko rin lang tlga hilig ang mglakwatsa. Afterlunch ako umalis sa bahay,
“Ma, aalis na muna ako… punta lang ako sa mall..”
“Ah ganun ba sige mag- ingat ka huh..”
“Opo ma..”
Walang masyadong tao sa mall, weekdays kasi eh. Habang naglalakad at nag iisip kong saan ako pupunta biglang may yumakap sa likod ko.
“Huh.. teka sino ka?”
Mahigpit ang pagkakakapit ng tao sa likod ko. Pinilit kong alsisin ung kamay nya at ng makita ko kung sino laki gluat ko.
“Ikaw yong babae kagabi..anung ginagawa mo dito? “
Isang malakaing ngiti ang sagot niy sa akin. Napakamot ako sa ulo ng mapansin ko na pnagtitinginan na kami ng mga tao sa mall.
“Salamat sa paghatid sa akin kagabi at gayundin sa di mo pag iwan sa akin.”
“Ah.. un ba eh kasi nakakaawa ka naman kung iiwan kita at tsaka ang higpit kaya ng hawak mo sa dmait ko.”
“Ganun ba.. pasensya ka na huh.. “
‘Okay lang.. Sige una na ako”
Nang maglalakad na ako palayo.
“Teka lang.. ako nga pala si Lexie.” habang inaabot nya ang kamay nya sa akin.
“Ako si.. Sam ” at inabot ang kamay nya.
“In return of what you have did, I’ll treat you!”
Instant date b e2..Wala naman cgrong masama kung tatanggapin ko yong alok nya
“What… ?”
“Okay sige, mag isa rin lang naman ako eh..”
Kumain kami sa isang napakasosyal ng resto, noong una nahihiya ako pero sige na lang. Akala ko tapos na sa pagkain, humirit pa.
” Pwede ba akong magpasama seo..?”
“San?”
“Manunuod ng sine..”
Date na nga eto. Tatanggi na sana ako pero nahila na nya ang kamay ko.
“Salamat!”
Isang chick flicks ang hilig pla nito.. haayss.. isa rin sya sa mga babaeng mahilig sa gnitong pelikula.
Maya maya pa nakarinig na lang ako ng pag singhot, umiiyak ba siya? taong ko sa sarili ko, at nang tumingin siya sa akin tama nga ako. Natapos na ang pelikula, palabas na kami ng sinehan ng mag aya syang mg kape.
“Gusto mo mgkape?”
Ang balak ko sana pagkatapos mg window shopping eh uuwi na pero heto ako at mukhang gagabihin.
‘Uhm… sige pero wag sa mamahalin huh.. “
“Ano ka ba, sagot ko.”
Pumasok kami sa kilalang caferteria, iyong cafeteria ng mga may laptop, may mga wifi sa cp, mga sosyalera at sosyalero. Maya maya pa dumating na ang inorder nya par sa amin.
“Natatakot ka ba sa skin?”
Nagulat ako sa tanung nya,” huh.. natatakot… bakit?”
“Eh kasi parang natatakot ka sa akin eh..”
“Hindi naman, siguro nagugulat lang ako kasi parang kakaiba ka.. hindi mo ako kilala pero sumasama ka sa akin.”
“Ganito tlga ako, gusto ko kasi bawat minuto ng buhay ko masaya, kakaiba..”
“Eh buti naman mabubuting tao iyong lagi mong sinasamahan.”
“Sa totoo lang, namimili rin naman ko khit papaanu.”
“Mabuti naman kasi iyong itsura mo naku„, baka pagsamantalahan ka, kapag sumama ka na lng ng basta bsta.”
Isang ngiti ang nakita ko sa knyang mga labi. =)
“Oh bakit? may nakakatawa ba sa sinabi ko? “
“Wala naman, alam mo masaya ako kasama kita.. salamat huh sinamahan mo ako.”
“Ah.. walang anuman iyon. “
“Ano nga palang ginagawa mo sa buhay?”
“Ako, isa akong office clerk, sa may cubao, eh.. ikaw?”
“Ako? uhm… isa akong mascom student. “
“Ah tlga… san?”
“Sa isang kolehiyo ng mga taong walang inutapag kundi magpayaman ang mga magulang.”
Sa sinabi nya alam ko na isang exclusive school ang pinapasukan niya.
“Okay… “
“Sam… halimbawa nakalimutan mo iyong taong mahal mo anong gagawin mo?”
“Huh.. anung ibig mong sabihn?”
“Halimbawa may sakit kang AMNESIA, tapos nakalimutan mo iyong mga ala ala niyo ng taong mahal mo, SELECTIVE AMNESIA.”
” Parang mahirap iyong sinasabi mo Lexie”
“Mahirap ba?
“Oo iniisip ko nga kung totoo eh..teka ganun b iyong nangyari seo?”
“Hindi nabasa ko lng iyon sa isang librong nakita ko sa bookstore.”
“Ah ganun ba, “
“Sige uwi na ako Sam, salamat sa pagsama sa akin huh..”
“Salamat din sa panglilibre mo sa akin.”
Lumabas kami ng cafeteria at nag lakad papalayo sa isat isa, bago siya tumlikod parang nakita kong may luha sa mga mata niya. Habang nasa bus naiisip ko iyong sinabi ni Lexie, pwede nga kaya mangyari iyon, kunsbagay sa tulad kong di nakakaranas magmahal eh di masasagot ang gnung tanong.
Gabi na ng dumating ako sa bahay,
“Ma andito na ako..”
“Oh bakit ginabi ka?”
“Ah.. kasi nakita ko iyong isang kakilala ko, “
“Ganun ba„ o sige kumain knb?”
“Oo mama… nga pala ma, may itatanung ako sayo.”
“Anu un?”
“Alam nyo po ba iyong selective amnesia?”
Hindi agad nakasagot si mama
“Ah.. oo bakit, “
“Wala lang.. may nakapgkwento lang sa akin ng ganun..Siguro ma ang hirap noon noh.. imagine makakalimutan mo iyong mga ibang memory mo, buti nga pla ma hindi ako ngkaganun noong naaksidente ako.”
1year ago naaksidente ako sa motor. Ang kwento nila mama madulas daw iyong dinadaan ko galing ako sa trabaho akala nga daw nila mamatay na ako pero buti na lang daw at nakbuhay ako.
“Oo nga nak eh, speaking of that medyo nawawala na iyong peklat sa ulo mo.”
“Ah oo nga ma eh, sige po ma tulog na ako”
‘O sige maaga ka pa bukas.’
“Goodnight ma, “
“Goodnight Sam.”
Noong gabi iyon, napanaginipan ko iyong aksidente nangyari sa akin. Isang taon na rin iyong nakalipas dati lagi kong napapanaginipan iyon, pero noong mga sumunod na buwan hindi na. Pero iyong panaginip ko noong gabing iyon ay iba, may kausap daw akong babae tapos umiiyka ako, at umiiyak din siya, pagkatapos sumakay ako sa motor at iyon nangyari na iyong aksidente. Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Pawis na pawis ako, bumangon ako at dumeretso sa kusina pra umiinum ng tubig. “Panaginip lang iyon. Dumating ako sa opisina ng medyo maaga, at dahil maaga pa naman ng research ako sa internet tungkol sa selective amnesia. Ilang alaala lang pala ang nalilimutan ng may ganun. Pagkatapos noon ginawa ako ng ang mga naiwan kong trabaho. Lunchbreak na.. usually ngbabaon ako ng pagkain pra makatipid pero dahil sa panaginip ko wala nawala ko sa mood mghanda ng babaunin ko.
“Sam sabay ka na sa amin, wala ka naman atang baon eh..”
“Ah.. o sige..”
Ilang oras lang alas singko na.. umwian na. Palabas ako ng opisina ng sabihin sa akin ng guard na may nag aantay daw sa akin. Paglabas ko si Lexie nakatayo at mukhang inip na inip na sa kakaantay.
“Lexie, anong ginagawa mo dito?”
“Inaatay ka, galing ako sa school nga pala may dala kong pagkain, e2 oh… siopao”
“Oi.. paborito ko to ah… salamat huh.. eh teka pano mo nalaman na dito ako ngtatatrabaho..?”“Ah… nakita ko sa id mo noong una mo akong hinatid.”
“Ah ganun ba… eh anu nga pala pakay mo sa akin at pinuntahan mo ako?”
“Magpapasama sana ako seo. kung ok lng?”
“San?”
“Sa bookstore, bibili lang ako ng libro at magbasabasa na rin. ok lng ba?”
“Oh sige.. tara na.”
Sakto may malapit na bookstore sa opisina na amin.
“Lexie, nagreseaarch ako sa sinabi mo tungkol sa selective amnesia, naiisip ko lang kawawa naman yong may ganun noh, buti nga hindi ako ngkaganun..”
“Bakit, anong ibig mong sabihin?”
“Naaksidnete kasi ako 1 year ago, sa motor.”
“Bakit ka daw naaksidente?”
“Madulas iyong kalsada, galing ako sa trabaho.”
Biglang natahimik si Lexie.
“Oh bakit?”
“Wala lang.. lam mo minsan may magndang dulot iyong selective amnesia,”
“Talaga,eh hindi ba parang ang sakit noon, imagine paano kung mahalaga pala iyong mga alaalang nalimutan mo, o kaya iyong taong nalimutan mo, tulad ng sabi mo iyong taong mahal mo.”
“Minsan kasi Sam.. iyong alaala iyong masakit o nakakasakit sa damdamin ng tao. Makakapagpatuloy ka sa buhay mo, at kasama ng pagkalimot mo sa alaala eh sa iyong sakit ng nangyayari lalo na kung compplicateda ng lahat, kung may mga taong humahadlang sa pagmamahalan nyo.”
“Alam mo minsa naiisip ko parang nagyari na sa iyo, kasi kapag nagkwekwento ng ganya damang dama mo eh.”
“Kung alam mo lang Sam..”
“Huh.. ang alin?”
“Wala… kalimutan mo na lang iyong sinabi ko.”
“Eh teka bumabalik daw ba iyong ganun”
“Mayroong hindi..mayroon bumabalik.”
Pagkatapos bumili ni Lexie, nag aya siyang magkape.
“Ang hilig mong mgkape noh.. di mo ba alam nakakadilaw ng ipin yan,”
“Talaga..?”
“Oo.. kaya wag k ng magmciado sa kape huh..”
Bigla akong inakap ni Lexie, “I miss you ..so much”
“Ano iyon?”
“Wala.. sabi ko thank you.. “
“For what?”
“For making me happy, sa pagsama mo sa akin.”
“Wala iyon, teka nga pala baka naman may bf ka huh..at bigla na lang akong upakan noon,”
“Wala na akong bf.. nawala na lang sya na parang bula..kunsabagay ma mabuti na iyon dahil masasaktan ko lang siya..”
“Anog ibig mong saibihn?”
“Malapit na kasi akong umalis, ilang buwan na lang.. “
“San naman punta mo?”
“Sa ibang bansa.. andun na kasi iyong pamilya ko..”
“Ganun.. eh di malapit na pla kitang hindi makita… “
“Mamimis mo ba ako kapag umalis ako„ ?”
“Ah Eh.. Oo naman, mamimis ko iyong bigla mong pagsulpot sa likuran ko at iyong pagiging kakaiba mo.”
“Tlga.. ikaw din mamimis ko kapag umalis ako”
“Teka, may company outing gusto mo bang sumama?”
“Talaga.. sige,”
“Pero paano iyong pasok mo sa school?”
“Hayaan mo na iyon.”
“O sige ganito.. dito tau magkita huh.. “
“Oo sige..”
Nahuhulog na ba ako sknya? Ilang araw ko pa lang siyang kakilala pero siya agad iyong inaya ko para makasama sa outing, ang gaan kasi ng pakiramdam ko sknya.
Araw n ng outing, tulad ng pinag usapan nagkita kmi sa may cafeteria. Naging masaya si Lexie, lalo akong napalapit sknya.
“Sam.. slaamat tlga pinasaya mo ako.”
“Wala iyon ano ka ba..para kahit paano may maidadagdag ka sa mga memory mo pag umalis ka.”
Ngdala siya ng digicam kaya puro kmi picture. Hindi lang si Lexie ang naging masaya pati ako. Gabi n ng dumating kami sa Manila. Pinasakay ko siya ng taxi pauwi , at ako naman ay sumabay sa katrabaho pauwi.
Isang linggo ang nakalipas hindi nagpapakita si Lexie, naisip ko tuloy baka umalis na sya.
“Oh pare mukhang malungkot ka ah..”
“Ah hindi naman..”
“Hindi ba nagpapakitasa iyo si Lexie?”
“Paano mo nalaman iyong pangalan niya pare?”
Wala namang nakakalam ng name nya maliban sa office maliban sa isang close ko na si Jeric.
“Ah.. nabanggit ni Jeric, “
“Ganun ba.. baka umalis na papauntang ibang bansa.. di man lang nagsabi sa akin.”
Pauwi gnun pa rin ako, malungkot at parang may kulang. Nakatingin ako sa malayo ng bigla kong mapansin ag pamilyar na mukha. “Si Lexie” bumaba ako sa bus na sinasakyan ko.
“Lexie!”
Lumingon siya pero parang ng iba ang itsura niya.
“Bakit di nagpapakita sa akin, may problema ba? Akala ko ng abroad ka na eh”
Bakas sa mukha ni Lexie ang pagod, para siyang may sakit.
“Pacnesya ka na huh.. may inasikaso lang ako”
“Ganun ba.. hatid na kita gusto mo?”
“Wag na kasama ko Tita ko Sam.. Okay lang ako.”
“Oh sige.. ingat ka huh..minsan mall ulit tau..bago ka umalis”
Isang ngiti ang sinagot niya sa akin. Iyon na pala iyong huli naming pagkikita. 5 buwan ang lumipas walang Lexie ang nagpapakita sa akin, iniisip ko ng puntahan sa bahay nila, pero nahihiya naman ako. Hindi ko alam kong bakit ako ngkakaganito, alam ko namang aalis siya eh. Pero sana ngpaalam siya sa akin. Kinabukasan araw ng off ko sa trabaho. Naabutan ko si mama na may kausap na tao. Maya maya pa umalis na iyong tao at may dala si mama na package.
” Ma.. sino iyon?”
“Ah.. nak, ng dedeliver ng package.. “
“Package? may kamag anak b tau sa abroad?”
“Wala..pero para sayo ito nak, “
“Huh.. para sa akin?”
Naisip ko baka si Lexie pero malabo kasi di naman nya alam ang address ng bahay namin.
“Galing kanino to ma?”
“Buksan mo nak, “
Nang pagbukas ko„, “Lexie?”
Isang scrapbook ang laman ng package, scrapbook at isang box na puro letters.
Nang buksan ko ang scrapbook nagulat ako dahil old pictures pa namin ang andun, picutres namin sa coffee shop, sa bookstore, may nalagay pa n 1monthsary, pictures namin ni Lexie. Girlfriend ko si Lexie.
“Selective amnesia Sam… iyong ang naging effect ng aksidente mo sa motor. ” sambit ni mama
Biglang ngbalik ang lahat sa akin,
“I’m sorry Sam.. hindi na kita mahal..”
“Ano? ganun ganun mo na lang itatapon ung pinagsamahan natin Lex? 6 years Lex, may nagawa ba ako? may iba ba Lex?”
“Walang iba Lex, mahal na mahal na kita Sam, pero ako iyong may problema…”
“Anong problema sa iyo? okay ka naman eh..”
“Sam.. I’m sorry..”
Hindi ko matanggap iyong break up namin ni Lex, umalis akong mabigat ang loob, nang gabing iyon gusto ko ng mamatay. Umulan ng malakas, at naaksidente ako. Nagising ako sa ospital, na ang tanging naalala ay galing ako sa trabaho.
Sa loob ng box iyong mga sulat ni Lex sa akin after ng naaksidente, ng mag ka selective amnesia ako.
Dear Sam,
This will be my last letter to you. Mahal na mahal kita Sam, kaya ako nakipag break sa iyo dahil ayokong masaktan ka sa pag alis ko. Sam, I’m dying. Na diagnose ako na may leukemia and 1 year and few months nal ang iyong natitira sa akin. Siguro habang binabasa mo tong letter ko baka wala na ako. Mabuti na rin na ngka amnesia ka para malimutan mo lahat ng sakit na dinulot ko sa iyo. Pero ikaw pa rin ang nagpasaya sa akin kahit sa huling mga buwan ko kahit na nakalimot ka, siguro nga totoo ung heart memory. Sorry kung di ko man inaamin sayo iyong totoo.. mas gusto ko na mamatay ako ng alam kong hindi mo naalala ang mga nagyari sa atin. Onethings for sure mahal na mahal kita Sam.
LEXIE
Bumuhos ang luha kasbay ng malakas na ulan. Inkanap ko ang scrapbook namin ni Lexie. Lahat ng alaala bumalik, noong araw na unang k osyang mkita sa bookstore, nakaupo sya sa sahig at nagababasa, inaaproach ko siya at sdoon nagsimula ang relationship namin, masaya kami ni Lexie.. hanggang sa nakipag break siya sa akin. Kahit na nakalimot ako hindi ako kinalimutan ni Lexie, alam kong noong mga araw na magkasama kami pinipilit niyang ipaalala sa akin ang lahat, pinipilit niyang maging masaya ako, make it up to me.
Nag leave ako sa trabaho ko, nagpunta ako sa lahat ng lugar na pinupuntahan namin ni Lexie,
“Lex..thank you for making me happy, at the your last breath pinilit mo pa rin akong maging masaya.”
Would you do the same thing as what Lexie did? Memory…. cherish it, reminisce it for it will never fade.
